Spots in Bay, Laguna
PAROKYA NI SAN AGUSTIN
Sa gilid ng simbahan, may nakatayong apat na palapag na bell tower. Ang katabi ng simbahan ay ang munisipyo ng Bay at paaralan ng Liceo.
Grand Villa Resort and Butterfly Center
Ito ay isang isa sa magagandang puntahan sa Bay. Ito ay resort at butterfly center. Maraming pumupunta dito dahil bukod sa magandang tanawin, siguradong malilibang ka. Ito ay matatagpuan sa Tranca, Bay, Laguna. Marami na ang nakapunta dito at natuwa dahil sa gandang taglay nito.
Royal Palm Resort
Ang Royal Palm Resort ay matatagpuan sa Brgy. Puypuy, Bay, Laguna. Madami ang napunta dito dahil magandang libangan ito. Ang mga kadalasang pumunta dito ay ang mga nagbabakasyon, nagpapalipas ng oras at naglilibang.
Monay Bae
Ang Monay Bae ay ang sikat na sikat na tinapay sa Bae. Naging sikat ito dahil sa sarap na taglay nito. Sulit itong kainin dahil malaki ito at malambot. Mas masarap itong kainin kung mainit dahil masarap ito sa pakiramdam. Madalas itong dinadayo. Ito ay nabibili sa Tenorio's Bakery.
Kamayan
Ang kamayan ay isang kainan na matatagpuan din sa Bae. Marami ang maaaring pwedeng gawin dito katulad ng kumain. Masasarap ang pagkain dito at ang mga bata ay maraming paglilibangan dahil may palaruan dito. Mahangin dito kaya siguradong makakapag-relax ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento