Sabado, Enero 18, 2014

Spots in Bay, Laguna

PAROKYA NI SAN AGUSTIN

Ang St. Augustine Church ay ang simbahan na makikita Bay, Laguna. Si Father Martin de Rada ang kauna-unahang pari ng naturang simbahan. Ang kauna-unahang gumawa ng simbahan ay ang pransiskanong si Fr. Geronimo Hervas noong taong 1804 at ang tumapos ay si Fr. Pedro Moya noong taong 1864. Nang magkaroon lindol sa kasagsagan ng ikalawang pandaigdigang digmaan, nasira ang simbahan ngunit ito ay naitayo muli noong taong 1953.


Sa gilid ng simbahan, may nakatayong apat na palapag na bell tower. Ang katabi ng simbahan ay ang munisipyo ng Bay at paaralan ng Liceo.


Grand Villa Resort and Butterfly Center
Ito ay isang isa sa magagandang puntahan sa Bay. Ito ay resort at butterfly center. Maraming pumupunta dito dahil bukod sa magandang tanawin, siguradong malilibang ka. Ito ay matatagpuan sa Tranca, Bay, Laguna. Marami na ang nakapunta dito at natuwa dahil sa gandang taglay nito. 




Royal Palm Resort

Ang Royal Palm Resort ay matatagpuan sa Brgy. Puypuy, Bay, Laguna. Madami ang napunta dito dahil magandang libangan ito. Ang mga kadalasang pumunta dito ay ang mga nagbabakasyon, nagpapalipas ng oras at naglilibang.

Monay Bae

Ang Monay Bae ay ang sikat na sikat na tinapay sa Bae. Naging sikat ito dahil sa sarap na taglay nito. Sulit itong kainin dahil malaki ito at malambot. Mas masarap itong kainin kung mainit dahil masarap ito sa pakiramdam. Madalas itong dinadayo. Ito ay nabibili sa Tenorio's Bakery. 

Kamayan

Ang kamayan ay isang kainan na matatagpuan din sa Bae. Marami ang maaaring pwedeng gawin dito katulad ng kumain. Masasarap ang pagkain dito at ang mga bata ay maraming paglilibangan dahil may palaruan dito. Mahangin dito kaya siguradong makakapag-relax ka.